IBA'T IBANG PANINIWALA SA WIKA

Isa sa magandang batayan ng pinagmulan ng wika ang Banal na Aklat. Ayon sa Genesis 11 : 1-9 :

Noon, ang buong daigdig ay iisa ang wika at salita. Ang mga tao'y naglakbay papuntang Silangan at nakita nila ang isang kapatagan sa Sinai. Dito sila naninirahan.

Nag-usap usap sila. "Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti." Tisa ang ginamit nila sa halip ng bato, at alkitran sa halip na adobe. Pagkatapos, sinabi nila, "Gumawa tayo rito ng isang lungsod na may toreng abot sa mga langit. Sa gayon, magiging bantog tayo at hindi na mangangalat sa buong daigdig".

Ngunit bumaba ang Dios upang tignan ang lungsod at ang toreng ginawa ng mga tao. Sinabi ng Panginoon, " Bilang isang grupo ng tao na iisa ang wika, nakapagsimula silang gumawa nito. Kung gayon, anuman kanilang balangkasin ay magagawa ng muli. Bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan."

Kaya mula noon, pinangalat sila ng PANGINOON sa buong daigdig, at hindi na naipagpatuloy ang pagtatayo ng lungsod. Ito ang dahilan kaya tinatawag na BABEL ang lugar na iyon- pagka't doon ginulo ng PANGINOON ang wika sa buong daigdig. Mula rito, pinangalat sila ng Panginoon sa iba't ibang panig ng daigdig.

Kung ilan ang wikang sinasalita sa kasulukuyan at noong nakalipas na libong taon ay hindi natin matitiyak. Sa pag-usad ng panahon, maraming lenggwahe ang nagpapaunlad, patuloy na nagbabago, at may namamatay na nag iiwan lamang ng ilang bakas at magkaminsay wala. Maaring ang gumagamit ng isang particular na wika noon ay wala na at wala namang parran upang maitala itong muli para sa darating na panahon at susunod na natatangi o bunga o bahagi ng ibanglenggwahe. ( encyclopedia Americana, 1979 : 724
No posts.
No posts.